VILLAGE EXECS BIBIGYAN NG “PANGIL” VS MASS GATHERINGS

BINIGYAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng kapangyarihan o ‘pangil’ ang mga opisyal ng mga villagSes upang istriktong maipatupad ang health protocols sa kanilang mga nasasakupan.

“Maglalabas tayo ng advisory memo kung papaano yung ating mga barangay officials ay mae-empower natin at matulungan paano sa pagpapatupad nito. Nakikita kasi natin na nandito ‘yung weakest link – ‘yung paano ipatupad ng ating mga barangay officials itong tinatawag nating super spreader event,” ayon kay DILG Secretary Eduardo Año sa isang panayam.

Ayon kay Año, kailangang mahigpit na bantayan at ipatupad ng mga village officials ang mga regulasyon laban sa mass gatherings, gaya ng mga fiestas, parties, karaoke sessions, discos, drinking sessions, basketball games, boxing events, at iba pang non-essential religious activities.

Aniya, ngayong linggo ay pipilitin nilang agad na mailabas ang memo na nag-aatas sa pagsasagawa ng mandatory patrols ng mga barangay security personnel, partikular tuwing weekends at holidays.

Binigyang diin ng kalihim, kinakailangan din ang pagtatalaga ng mga village watchmen na magmomonitor sa mga resorts at recreation facilities sa kanilang mgas lugar habang ang mga barangays ay dapat na mag-post din ng kanilang hotline numbers upang maging sumbungan ng mga lumalabag sa mass gathering.

Dagdag pa ng DILG chief, ang mga mga barangay operations centers ay dapat na may direct link sa Philippine National Police (PNP) stations upang agad na mahuli ang mga lumalabag sa health protocol violators. EVELYN GARCIA

27 thoughts on “VILLAGE EXECS BIBIGYAN NG “PANGIL” VS MASS GATHERINGS”

Comments are closed.