INENDORSO ni Vice Presidential candidate at Presidential daughter Inday Sara ang kandidatura ni re-electionist Senator Joel “Tesdaman” Villanueva ito ay sa kabila ng hindi isinama sa senatorial slate ni Presidential candidate at dating Senador Ferdinand Marcos.
Ayon kay Duterte bagamat hindi nakasama si Villanueva sa mga senatorial line-up ng kanilang tambalan ni Marcos ay kanya pa ring sinusuportahan ang Tesdaman dahil ito ay isa sa kanyang mga kaibigan.
“ Meron din akong mga kaibigan na tumatakbong senador na kahit may pilitika man o wala ay magiging kabigan ko pa rin sila (tulad ni) Joel Villanueva,” ani Mayor Sarah sa kanyang speech.
Sinabi pa ni Duterte na bukod sa pagiging magkaibigan ay naniniwala siya sa kakayahan nito at karapat-dapat na makabalik sa Senado si Villanueva dahil na rin sa kanyang nagawa.
Bagay na agad namang nagpapasalamat si Villanueva sa suporta at tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng anak ng Pangulo.
Binigyang-diin ni Villanueva na malaking tulong sa kanyang kandidatura ang pag-endoso sa kanya ng anak ng Pangulo at talaga namang kaibigan niya ang pamilya nito may eleksiyon man o wala.
Inihayag ni Duterte ang kanyang pag-endoso kay Villanueva sa kanyang speech sa kick off rally ng Uniteam.
Nauna rito ay nagpahayag ng suportado si Vice Presidential candidate at Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa kandidatura ni Villanueva.
Tinukoy ni Sotto na si Villanueva ay mayroong malinaw na programa para magkaroon ng trabaho at kabuhayan ang bawat mamamayang Filipino.
Magugunitang bago pa man ang pagsisimula ng kampanya ay kasama si Villanueva sa mga senatorial line up ng tambalang Lacson-Sotto, Pacquiao -Atienza at Moreno-Ong. Ngunit sa kick off proclamation rally ng mga nabanggit na tambalan ay walang dinaluhan na kahit isa man si Tesdaman bilang pagbibigay galang at respeto sa bawat partido bukod sa mayroon siyang naunang importanteng imbistasyon.
Nagpa-abot din ng kanyang pasasalamat si Villanueva sa mga tandem na ito na nagtitiwala at naniniwala sa kanyang kakayahan.
Ngunit nasagawa naman si Villanueva ng kanyang kick off campaign sa pamamagitan ng social media na dinaluhan ng mga mamamayang Pilipino sa ibat-ibang panig ng Pilipinas at ng buong mundo sa pamamagitan ng internet.
At dito ay inihayag ni Villanueva ang kanyang naging trabaho sa Senado at tiniyak sa publiko na muling magtatrabaho siya bilang empleyado ng Senado sa sandalling mahalal.