KEYNOTE speaker at guest of honor sa pagbubukas ng ‘field day’ na nagpakita sa pinakabagong seed technology at cultivation techniques at dinaluhan ng may 90 foreign delegates mula sa 49 bansa.
Pinapurihan ni Villar, chairperson ng Committee on Agriculture and Food, ang East-West Seed sa kanilang tulong sa maliliit na vegetable farmers para magkaroon ng mas maganda at malaking ani at kita.
Ginanap ang field day na may temang “Better Seeds for a Better World,” sa Villar SIPAG Farm School sa Bacoor, Cavite. Ito ay bahagi ng post-Congress tour ng mga kalahok sa 25th Asian Seed Congress na idinaos Nobyembre 12-16.
Maraming magsasaka, agricultural stakeholders at delegates mula sa seed industry sa Asia-Pacific Region ang nagtungo sa Villar SIPAG Farm School sa Bacoor, Cavite.
“We are very happy that we have partners in the private sector that also make it their life’s mission to help small farmers increase their incomes. With the legislation we are pushing in the Senate, we are not only training farmers plant quality crops, we also want them to become seed growers engaged in seed production and trade,” ani Villar.
Kabilang sa mga bagong produkto na ipinakita sa aktibidad ang tropical lowland heat-tolerant tomato, bagong highly pungent pepper na may mabangong aroma, bagong tropical butternut pumpkin, at waxy-sweet corn.
Isa sa pinakamalaking seed company sa buong mundo ang East-West Seed. Naging partner ito ng Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG) sa pagbibigay sa mga magsasaka ng libreng pagsasanay sa makabagong paraan ng pagsasaka.
Sa ilalim ng rice tariffication bill na ipinasa ng Senado sa Third Reading noong Miyerkoles, kabilang sa mga programa na popondohan ng P10-billion Rice Competitiveness Enhancement Fund, ay ang development, propagation at promotion ng inbred rice seeds at ito ay ipatutupad ng Philippine Rice Institute.
Comments are closed.