NANGUNA si dating Public Works and Highways Secretary Mark A. Villar sa pre-election senatorial survey ng RP-Mission and Development Foundation (RPMD), na may 55.7% voter preference.
Isinagawa ang poll mula Nobyembre 16-24, gamit ang face-to-face interviews sa 10,000 respondents sa buong bansa.
“I am very grateful for the results of the RPMD survey. Malaking bagay po sa atin ang suporta at tiwala ng mga Pilipino,” ani Villar.
Sinundan si Villar nina Antique Representative Loren Legarda (53.5%), broadcaster Raffy Tulfo (52.9%), President Rodrigo Roa Duterte (52.4%), Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero (51.6%), dating House Speaker Alan Cayetano (47.2%), Sen. Win Gatchalian (42.6%), Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri (38.8%), Sen. Richard “Dick” Gordon (36.3%), Sen. Joel Villanueva (35.1%), Sen. Risa Hontiveros (32.5%), at dating Senador Jinggoy Estrada (30.3%).
Nanguna rin si Secretary Villar sa RPMD’s preferred senatorial candidate survey noong Oktubre 17- 27.
“Salamat po sa mga naniniwala sa atin. Asahan niyo na itutuloy natin ang Build, Build, Build program at ang pagbibigay trabaho sa bawat Pilipino,” dagdag ni Villar.
Si Villar ay inendorso ni Mayor Inday Sara Duterte na bahagi ng kanyang senatorial slate para sa 2022 elections.