NANANATILING si Senador Cynthia Villar pa rin ang pinakamayaman habang si Senador Leila de Lima naman ang pinakamahirap sa 24 senador ng Filipinas.
Ito ay base sa kanilang 2019 Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) kung saan naitalaga na P3.8 bilyon ang ari-arian ni Villar at walang anumang pagkakautang.
Sumunod sa kanya si Senador Manny Pacquiao na P3.1 bilyon, pangatlo si Senate President Pro Tempore Ralph Recto (P567.4M), Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri (P203.6M).
Habang ang bumuo naman sa Top 5 na pinakamayaman sa kanila ay sina Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., (P176.3M), si Sen. Sonny Angara (P142.2M); Senate Minority Leader Franklin Drilon (P102.2M); Sen. Grace Poe (P97.6M); Sen. Sherwin Gatchalian (P95.4M).
Pang-sampu naman si Sen. Pia Cayetano, P82.7 milyon. 11 si Senate President Vicente Sotto III, (P77.7M); 12 si Sen. Richard Gordon (P71.2M); 13 si Sen. Manuel ‘Lito’ Lapid (P70.9M); 14 si Sen. Francis Tolentino (P61.1M) at 15 si Sen. Nancy Binay (P60.3M).
Pang-16 naman si Sen. Panfilo Lacson (P48.9M); 17 si Sen. Aquilino ‘Koko’ Pimentel (P36.3M); 18 si Sen. Imee Marcos (P34M); 19 si Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa (P33M) at 20 si Sen. Joel Villanueva (P30.2M).
Nasa ika-21 puwesto naman si Sen. Francis Pangilinan (P19.9M); 22 si Sen. Christopher ‘Bong’ Go (P18.3M); 23 naman si Sen. Risa Hontiveros, na wala rin naiulat na utang (P16M) at 24 ay si Sen. Leila de Lima (P8.3M).
Ito na ang walong sunod na taon na kinilala si Villar na pinakamayaman na senador. LIZA SORIANO
Comments are closed.