ITINAYO ang Tago Agro-Industrial Development Cooperative (TAGINDECO) noong Nobyembre 14, 1992 at opisyal na nagsimula ang operasyon nito noong Pebrero 8, 1994 na may initial capital na Php34,300. Sakop nito ang lahat ng barangay sa bayan ng Tago.
Ang misyon ng kooperatiba ay ang buuin ang maliliit na magsasaka at mangingisda sa iba’t ibang grupo para magtrabaho bilang isa upang mabawasan ang halaga ng produksiyon, makakuha ng pinakamagandang kalidad ng materyales sa makatuwirang halaga, tulungan sila sa pagbebenta ng kanilang naprodyus at pagkalooban sila ng tulong pinansiyal o pautang.
Kabilang sa mga programa at serbisyo na iniaalok ng kooperatiba sa dumaraming miyembro nito (halos 1,800) ay grains business (rice mill, palay & seeds production, solar & mechanical dyers, iba’t ibang kagamitan), savings, loans at maraming iba pa.
Pumasok din ito sa ibang ventures gaya ng cable television operation.
Ang TAGINDECO ay nag-aalok sa mga miyembro at community residents ng karagdagang mapagkukunan ng ikabubuhay sa fiber net production (twining at weaving); copra at charcoal-making; tinutulungan ang fish cages operators na magkaroon ng extra income; at nagha-hire ng mga manggagawa para mag-operate ng agriculture equipment/machines.
Bilang bahagi ng social responsibility at sustainability advocacies nito, ang TAGINDECO ay nangunguna o nakikibahagi sa environmental activi-ties tulad ng mangrove rehabilitation, gumagamit ng solar power, nagkakaloob ng risk reduction facility, at lumalahok sa disaster risk reduction training.
Ilan sa mga parangal at pagkilala na tinanggap ng TAGINDECO ay ang Gawad Saka Award bilang ‘Most Outstanding Small Farmers/Fishermen Organization (National Level)’ mula sa Department of Agriculture (DA); Outstanding Surigaonon mula sa PSMED-Tandag; Outstanding Cooperative mula sa CDA-Butuan, Caraga; Most Outstanding Primary Cooperative mula sa DA at marami pang iba.
Ang TAGINDENCO ay nananatiling matatag sa pagsasakatuparan ng vision nito na maging isang huwarang kooperatiba tungo sa economic, social, cultural at spiritual development ng mga komunidad na pinagseserbisyuhan nito.
Comments are closed.