VILMA SANTOS, 2 ANAK NAGHAIN NG COC; PHILIP SALVADOR, TATAKBO RIN

INIANUNSIYO ng star for all seasons Vilma Santos-Recto ang pagtatangka niyang muling makabalik bilang gobernador ng Batangas habang target din ng kanyang mga anak ang posisyon sa lalawigan.

 Naghain ng kanilang mga Certificate of Candidacy (COC) araw ng Huwebes sina Vilma at mga anak na sina TV host  Luis Manzano para pagka bise  gobernador  at Ryan Christian Recto na nag-aasam namang maging kongresista  ng District 6 ng Batangas.

Samantala, naghain din ng COC sa pagkasenador ang aktor  na si Philip Salvador.