VILMA SANTOS TUMAYA NA RIN SA LOTTO

VILMA SANTOS

BUKOD  kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tumaya sa lotto kama­kailan ay naengganyo rin si Lipahot shots Batangas Representative at Star For All Season Vilma Santos na tumaya sa lotto last Friday night.

Ipinost nga ni Ate Vi sa kanyang Instagram account ang mga ticket ng mga numerong kanyang tinayaan at sa caption ay nakalagay na, ”tumaya po ako!!! GOOD  LUCK  GUYS.”

Hindi naman kasi katakataka na maraming Pinoy ang naghahangad maging instance millionaire dahil umabot na sa P903, 290,152 ang Ultra Lotto Jackpot prize. Kahit ikaw pa ay isang politiko at isang artista ay magbabakasali ka ring manalo.

The good news and bad news ay wala pa ring nanalo sa Ultra Lotto kaya madadagdagan pa ang prize nito sa susunod na bolahan. Hindi mala­yong umabot na sa bilyon ang jackpot prize nito.

GLORIA DIAZ OK LANG SUMALI SA BEAUTY CONTEST ANG TRANSGENDER

GLORIA DIAZWALANG problema kay Miss Universe 1969 Gloria Diaz kung sumali man sa beauty contest ang mga transgender woman.

Sang-ayon ang first Filipina na tinanghal na Miss Universe sa pagsali ng mga transgender woman, tulad ng pagsali ng isang transgender sa Miss Universe 2018 na si Miss Spain Angela Ponce na usap-usapan sa buong mundo dahil sa pagka­panalo kahit na isa itong transwoman.

Puwede na kasi ngayon ang pagsali ng transgender sa nasabing beauty contest dahil tinanggal na ng Miss Universe ang ban sa pagsali ng transwoman noong 2012. Kaya may pagkakataon na ang mga transgender sa buong mundo na sumali sa naturang beauty pageant.

“Well, I have nothing against that, gusto ko nga `yun, eh. It`s more competition kasi and it doesn’t  mean naman na you cannot be beautiful because you`re  transgender, ‘di ba?

“But I don’t  know, how it will affect the competition itself because usually kapag beauty contest ‘yung babae ang parang reyna.

“But, let`s see what happens. Hindi ba parang exciting kasi may something different  na sa Miss Universe,” nakangiting say ni Miss Gloria.

Naalala nga ni Miss Universe Gloria nang ma­ging hurado siya ng Super Sireyna sa Eat Bulaga ay humanga siya sa mga sumaling transgender woman na kung tutuusin daw ay mas magaganda pa sa tunay na babae.

Well, sino kayang first Pinoy transgender woman ang sasali sa Miss Universe?

SHARON NADISMAYA; ROBIN INISNAB ANG CONCERT NIYA

SHARON CUNETAHINDI naitago ni Sharon Cuneta ang tampo niya kay Robin Padilla dahil hindi man lang daw sumaglit si Binoe sa kanyang 40th anniversary concert sa Araneta Coliseum.

Sa spiel nga ng Megastar sa concert niya ay nabanggit niya kung nasaan na si Robin. The next day ay nasa ABS-CBN Ball ay nandoon ang mag-asawang Robin at Mariel Rodriquez.

Diretsahang sinabi ni Sharon sa isang Instagram comment na nasaktan siya dahil inimbita niya si Robin sa kanyang concert pero ni wala raw itong sagot.

Ang ipinagdaramdam ng Megastar ay hindi kasi mauulit ang pagdiriwang ng kanyang 40th anniversary. Kaya may hirit pa ito na hindi na raw siya kilala ni Robin at ang bilis daw makalimot ni Binoe.

“What a disappointment,” say pa ng nagtatampong Megastar

Talagang galit si Sharon dahil mas matindi pa ‘yung comment niya sa mismong post ni Robin ng mga picture nito sa ABS-CBN Ball.

Sabi ng Megastar, reyna ka lang kay Robin habang may pelikula. Hindi man lang daw ito naglaan ng 2 oras dahil hindi na nga mauulit pa ang kanyang 40th anniversary celebration.

Ngayon daw ay alam ni Sharon kung sinong maaasahan kahit hindi imbitahan at kung sino ang hindi maaasahan kahit padalhan pa ng sampung mag-iimbita

At dahil masama talaga ang loob ng Megastar ay may sinabing siyang, “Magkalimutan na tayo.”