NADISMAYA ang aktres na si Vina Morales dahil kahit sa gitna ng pandemya ay may nagnanakaw pa.
Nabiktima si Vina habang ito ay nasa kotse sa Edsa.
Sa kanyang Instagram post araw ng Sabado, Oktubre 3, sinabi ni Vina ito ang first time na manakawan siya sa kanyang sasakyan.
Tumakas ang salarin matapos na dukutin ang celfone mula sa bintana na iniwang bukas ng aktres sa harapan ng isang gasolinahan na may mga security camera.
Ikinwento pa ni Vina na matapos tangayin ang kanyang cellphone ay mabilis siyang lumabas ng kotse at hinabol ang lalaki, nang biglang tila may humarang sa kanya na isang bystander at dito nawala sa kanyang paningin ang suspek.
Agad na dumating ang mga pulis, ngunit mas pinili ng aktres na huwag nang nagtungo sa presinto dahil sa banta ng pandemya.
Nagpasalamat ang aktres sa mga taong nagpaalaala sa kanya na ito ay mag-ingat palagi.
Comments are closed.