VINA MORALES SINGLE AGAIN

Break na naman si Vina Morales sa non-showbiz boyfriend na si Andrew Kovalcin.

Ayon kay Vina, “Wala na kami. I’m back to being single, ready to mingle.”

Sa ngayon, hindi na niya iniisip kung may darating pa o wala na.

“Hindi na siya priority, kasi before nalulungkot ako pag wala akong lovelife. Ngayon, may dumarating, nawawala naman. So, hindi ko na pinipilit.”

Anuman ang rason ng hiwalayan nila ni Andrew, hindi na idinitalye ni Vina.

Pagbabahagi niya, “I met him 22 years ago in one of my concerts in Hawaii. A year after, nanood ulit siya ng concert ko somewhere in North Carolina or South Carolina.

After that, nawalan kami ng communication.”

Pero noon daw COVID-19 time, napansin niyang may mga chats at mensahe pala ito sa kanyang email na hindi niya napansin dahil sa mga nangyari sa buhay niya.

Nagkaroon pa nga siya ng anak, si Ceana, ang anak ni Vina sa dati niyang partner na si Cedric Lee.

Nag-reply daw si Vina kay Andrew para humingi ng paumanhin. At agad ding  nagre-reply si Andrew at nag-ayang magkita sila sa U.S.

Ani Vina, “He knows that I’m going to U.S. last year para sa show namin ni Jim Brickman, kaya sabi niya, ‘Can we see each other?’ Sabi ko naman, ‘Of course, we can see each other.’

“Kaya noong nagkaroon ako ng breaktime sa Miami after my show, pumunta siya doon.

“We spent days there sa Miami, and then doon yung sparks bumalik.

“Hanggang sa pumunta siya dito sa Philippines, nagbakasyon siya, and met my family.”

Pero naging busy raw si Vina sa kanyang showbiz career kaya muli silang hindi nagkausap, kaya si Andrew na ang gumawa ng paraan para muli silang magkita.

“When we found out that may Broadway ako, he went to watch me. And then, doon na nag-start ulit.

“Nag-rekindle yung spark pero nawala rin after last year.

Ang “Broadway” na tinutukoy ni Vina ay ang Broadway musical na Here Lies Love.

Matiyaga at mapagmahal daw si Andrew.

Ani Vina, “Never siyang nawala sa buhay ko kahit hindi ko masyadong napapansin.”

Ipinagdasal daw niyang sana nga ay si Andrew na ang makakasama niya habambuhay, pero nag-break din sila.

“He’s a good person, a good guy,” ani Vina. “I’m hoping for the best of us,” saad pa niya.

RLVN