VIOLATOR SA ELECTION CODE NAHULIHAN NG SHABU

shabu

ARESTADO ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ni Director, Police Chief Supt. Joselito T Esquivel Jr. ang pitong drug suspects sa ilalim ng   anti-criminality and anti-illegal drug operations sa loob lamang ng 24 oras.

Una na rito ay ang pagkakaaresto ng Novaliches Police Station (PS 4) sa ilalim ni  Supt. Rossel Cejas kay Orlando Bontiago, alias Botchok,  na unang inaresto sa paglabag sa violation of City Ordinance 5121 (Possession of Bladed Weapon) kaugnay sa Omnibus Election Code.

Habang ang Fairview Police Station (PS 5) sa ilalim ni Supt Benjamin Gabriel Jr.  ay nakahuli ng  tatlong drug suspects.

Sa Cubao Police Station (PS 7) sa ilalim naman ni PSupt. Giovanni Hycenth Caliao arestado sa  buy bust ang isang ginang sa Aurora Blvd. na nakuhanan ng pitong sachets  ng shabu.

Naaresto naman ng Kamuning Police Station (PS 10) sa ilalim ni PSupt. Louise Benjie Tremor si Edgar Egamino sa Brgy. Pinyahan.

Arestado din ng PS 10 operatives  at  Philippine Drug Enforcement Agency-Quezon City (PDEA-QC) operatives sa isang  buy bust ang suspek na si alyas Russel. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.