CAMP CRAME-NADAGDAGAN pa at umakyat na sa 114, 972 indibidwal ang nahuli ng Joint Task Force COVID Shield dahil sa paglabag sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ.
Ayon kay JTF Shield Commander Lt Gen Guillermo Eleazar, 69,669 na violators ay naitala sa Luzon, 20, 555 ay sa Visayas at 24, 748 na lumabag ay sa Mindanao.
Sa nasabing bilang, 6,023 dito ay na electronic inquest at 21, 368 ay nasampahan ng kaso for regular filing.
Ang bilang ng mga naaresto ay naitala mula March 17 hanggang April 14 2020.
Samantala umabot na rin sa 696 ang naresto dahil sa pagho hoard at pagbebenta ng overpriced medical equipments, pinakamarami sa naaresto naitala sa Luzon na umabot sa 490. REA SARMIENTO
Comments are closed.