INAMIN ni Quezon City Mayor Joy Belmonte kahapon na hindi niya pa rin niya alam umano hanggang sa ngayon kung sino ang VIP (Very Important Person) na dumaan sa Commonwealth Avenue ng Oktubre 5,2023 nang pahintuin ni Master Sergeant Verdo Pantollano ng ilang minuto ang trapiko rito na siyang naging dahilan ng pagkatanggal sa puwesto ng naturang pulis.
Sa halip ay sinabi ng alkalde na dapat ang opisyal na nag-utos sa pulis ang imbestigahan sa pangyayari.
Matatandaang nanawagan si Belmonte kay Quezon City Police District (QCPD)Director Brig. General Redrico Maranan na ibalik sa puwesto si Pantollano matapos maimbestigahan at ma-relieve ito, dahil hindi umano makatarungan na tanggalin sa puwesto ang tulad ni Pantollano na ginagampanan lamang ang kanyang katungkulan.
Dahil sa insidente ay mariing binatikos ng netizens si Vice President Sara Duterte na napagkamalan umano ni Pantollano na siyang dadaan sa Conmmonwealth Avenue.
Kalaunan ay pinabulaanan ng kampo ni Duterte na siya ang dadaan sa naturang lansangan sa Sa panayam sa media ay sinabi ni Belmonte na wala siyang alam kung sino ang VIP na tinutukoy na dumaan sa naturang highway. “Wala akong alam,. Kasi pati ako tinatanong ko sila.
Usually kasi ako, sabihin na natin me isang issue.Usually, ano yan e, nakikipag-ugnayan ang pulis sa DPOS (Department of Public Order and Safety) sa city government. Usually and pulis, hindi gumagawa ng mga decision na wala kaming alam e, pero in this case, wala kaming alam talaga,” ani Belmonte.
Hanggang ngayon umano ay hindi pa sinasabi sa kanya kung sino ang naturang VIP, subalit nanindigan si Belmonte at muling nanawagan na ibalik sa puwesto ang naturang pulis.
“Hindi naman na tama yung maliliit na tao ang pinagbibintangan na mali.Kasi, di ba?Bakit hindi yung nag utos sa kanya ang na itigil ang daloy ng trapiko.Bakit hindi yun ang imbestigahan?Bakit yung malilit na tao palagi ang mali ang tatanggalin? Dapat pag tinanggal okay na? Yun na ba yun”, ang sabi ni Belmonte.
Ayon kay Belmonte tinawagan niya umano si Maranan tungkol dito. “Sinabi ko sa kanya na alam mo parang hindi naman tama yung tinanggal mo yung pulis.Kasi kung papakinggan mo yung video , sa aking pagdinig, wala naman siyang sinabing VP e. VIP, parang mabilis.So maaaring VIP ang sinabi niya.So, akal ko mali ang ginawa niya at first.Na pinatigil niya ang daloy ng trapiko, at first, pero nung sinabi ni Chair Artes na normal lang pala yan para sa mga VIP, ibig sabihin nun may tumawag lang kay pulis, o may dadaan na VIP ha?Ipatigil mo yang traffic. So, in other words, he was just doing his job.So I told that to General Maranan. At bawal sa protocol ng mga pulis ang banggitin kung sino ang dadaan na VIP.So yun naman ang kanyang stand, na VP ang sinabi. Well , ako ang tingin ko VIP ang sinabi niya kasi wala siyang sinabing Sara, sabi lang niya VP, mabilis….I really, nakiusap ako sa kanya,” sabi ni Belmonte.
Ayon kay Belmonte hindi pa kinumpirma ng naturang Heneral sa kanya kung nakabalik na si Pantollano sa puwesto, o kung papakinggan ang kanyang panawagan ng naturang opisyal ng pulis. MA. LUISA GARCIA