VIP TREATMENT INILUNSAD NG PNP SA MGA PALIPARAN

PNP Aviation Group

NAGLUNSAD ang Philippine National Police Aviation Group ng isang programa sa mga Airport o terminal ng paliparan upang ang kapulisan ay muling mapalapit at pagkatiwalaan ng mamamayan.

Ang nasabing programa ay sinimulan sa MACTAN – CEBU Airport na pinangunahan nina Police Sr. Supt. Elizaldy C. Quiboyen, chief Aviation Security Unit -4 at  Police chief inspector Albert Abe B. Timpac, chief of police ng Mactan -Cebu Aviation Police Station.

Ayon naman kay Ginoong Pido Tan ng Advisory Council Aviation Security, ang naturang programa ng PNP Patrol Plans ay inilunsad nila upang muling magtiwala at mawala ang mga agam-agam ng mga mamamayan higit sa lahat ay ang mga pasahero at mga dayuhan.

Sinabi naman ng dalawang opisyal ng PNP sa bawat araw ay pumipili sila ng mga mabibigyan nila ng VIP treatment at ito ay sini­mulan nila noong araw ng Martes =kung saan ang unang nakaranas ng kanilang programa ay isang buong pamilya at mga empleyado ng TELUS International.

Dagdag naman ni Ginoong Jemar Nietes-Advisory Council Head ng OTS, inaalalayan nila ang mga pasahero sa airport mula sa pagpasok hanggang sa makasakay ang mga ito sa eroplanong kanilang saksakyan. EVELYN GARCIA

Comments are closed.