VIRAC AT NAGA AIPORTS TIGIL ANG OPERASYON

CAAP

PANSAMANTALANG ipinatigil ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang operasyon ng Naga Airport, bunsod sa pagkasira ng kanilang PTB, fire station building, administration building at vehicular parking area dahil sa bagyong Rolly.

Natanggal ang mga, bubong at bintana  ng Naga Airport dulot ng malakas na hangin at ulan na dala ng bagyo.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ay tinatayang aabot sa P5.5 milyon ang total damage ng airport na ito, ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio.

Patuloy ang isinasagawang clearing operation dito kasabay ang pagkukumpuni upang maibalik ang operasyon nito sa lalong madaling panahon.

Bukod sa Naga Airport, nasira naman  ang Legazpi Airport passenger terminal building, kisame at runway lights.

Matindi rin ang naging damage ng Virac Airport kaya tigil ang operation nito habang minor naman ang tinamong damage ng Bicol International Airport,  Masbate, at Sangley Airports. FROILAN MORALLOS

 

Comments are closed.