VIRAL AUDIO CLIP NA NAGBABALA NG MARTIAL LAW FAKE NEWS-PNP

Bernard Banac

CAMP CRAME-ITINANGGI ng Philippine National Police (PNP) na lehitimo ang nag-viral na audio clip na nagpapayo na mag-stock ng pagkain ng hanggang isang linggo dahil posibleng magdeklara ng martial law si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PNP Spokesman BGen. Bernard Banac,  isang uri ng fake news ang nasabing audio clip na unang ipinagpalagay na boses ng beteranang news personality na si Jessica Soho.

“We deemed it to be another fake news spreading through text messages and chat groups.” bahagi ng statement ng PNP.

Hinimok din ng PNP ang netizens at social media users  na maging alerto at maging mapagbantay para maiwasan ang kalituhan.

Nagbanta rin si Banac na kakasuhan at huhulihin ang masasangkot sa fake news.

“Again, our cybercops will be in full gear to address this continuing struggle against fake news proliferators and online scammers in the time of deadly contagion.  We will arrest these cyber criminals to stop their illegal activities online that may cause harm, confusion, and panic among our people,” ayon kay Banac.

Samantala,  itinanggi rin ni Soho na kaniya ng boses sa audio clip at nakiusap na huwag itong i-share. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM