(Viral video naka-6 milyon views) 3 PROMOTOR SA ‘ROAD RAGE SCENE’ KINASUHAN

KASONG Cybercrime law, alarm and scandal at publication and unlawful uterrances ang isinampa ng awtoridad sa tatlong promotor ng ” Road Rage Scene” kamakailan sa Marikina City.

Kinilala ni Col. Benliner Capili, hepe ng pulisya ang mga suspek na sina Jonathan Esquillo, Joseph Josef at Jonathan Tablando , mga hindi tunay na pangalan.

Ang mga suspek ay sasampahan ng paglabag sa Article 154 of RPC (Unlawful use of means of publication and unlawful utterances) in relation to RA 10175 (Cybercrime Law), Art. 155 (Alarm and Scandal) at Unjust Vexation.

Matatandaan na nag-viral worldwide ang FB page ng mga suspek sa isyung “Road Rage Scene” sa Marikina River Park noong Enero 26 dakong alas-9:55 ng umaga.

Hiniling din ng pamunuan ng Marikina PNP sa mga video uploader na humingi ng public apology sa pamamagitan ng social media na may caption ng “Road Rage Viral Scene Apology” para sa humanitarian consideration.

Tiniyak din ng Marikina PNP na sasampahan nila ng kasong kriminal ang mga suspek na responsable sa viral video. ELMA MORALES