VIRTUAL BANKING SA PH IRE-REGULATE

VIRTUAL BANKING

IPINARE-REGULATE ni House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda ang virtual banking system sa bansa.

Sa House Bill 5913, sinabi ni Salceda na ang pagkakaroon ng regulatory framework para sa virtual banks ay magpapalakas ng financial inclusion thrust na nais ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Aniya, makahihikayat ito ng pagtaas sa virtual banking industry na posibleng umabot sa P903 billion.

Sa pagtaya ni Salceda, mapatataas mula 2.83% hanggang 4.34% ang share sa virtual only banking na kabuuang assets ng universal at commercial banks.

Bukod sa pagkakaroon ng regulasyon, layon din ng panukala na makapagbigay ng proteksiyon sa mga consumer, kabilang ang deposit insurance at mga hindi awtorisadong transaksiyon.

Paliwanag ng mambabatas, ang virtual banking ay isa sa pinakabagong inobasyon sa financial services dahil sa pagiging accessible sa digital platforms tulad ng mobile phone applications.       CONDE BATAC

Comments are closed.