IPINAGDIWANG ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang ika-84 na anibersaryo sa pamamagitan ng paglulunsad ng e-library, isang mahalagang hakbang sa modernisasyon ng ahensya.
Ang anibersaryo na ginanap nitong Setyembre 6 sa BI headquarters sa Intramuros sa Maynila ay dinaluhan ng mga kawani at mga retirado, sa temang “BI: Balik-Tanaw at Inspirasyon.”
Binigyang-diin ni Commissioner Norman Tansingco ang kahalagahan ng e-library sa kanyang talumpati na nagsabing “This e-library is not just a repository of documents, but a vital tool in our ongoing modernization efforts. It will enhance transparency, streamline our processes, and ensure that important information is accessible to all who need it.”
Ang e-library ay nagbibigay ng isang sentralisadong digital na plataporma kung saan naka-imbak ang lahat ng BI issuances kabilang ang mga memoranda at mga administrative orders.
Madaling maa-access ng mga gumagamit ang mga dokumentong ito sa pamamagitan ng simpleng search functions ayon sa may-akda, pamagat o petsa ng paglabas.
Ang e-library ay nag-aambag din sa pagpepreserba ng mga dokumento sa pamamagitan ng pag-digitize at pag-archive ng mga ito para sa pangmatagalang paggamit.
”This move toward digitalization marks our commitment to building a more efficient, responsive, and modern Bureau” dagdag ni Tansingco.
“The e-library will allow our employees, researchers and policymakers to retrieve and update relevant information quickly, helping us stay responsive to the changing demands of our work.”
Ang pagdiriwang ay nagbigay din ng pagkilala sa mga natatanging empleyado at minarkahan ang huling anibersaryo ng BI sa makasaysayang tanggapan nito sa Intramuros bago lumipat ang ahensya sa bago nitong gusali sa Lungsod ng Pasay.
RUBEN FUENTES