VIRUS’ BINAKBAK SA CAMP CRAME

CAMP CRAME-2

QUEZON CITY – NAGSAGAWA ng disinfection ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Headquarters Support Service sa Camp Crame.

Bahagi pa rin ito ng hakbang ng liderato ng PNP para labanan ang pagkalat ng  coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Una nang  nagpatupad sa Camp Crame ang “No Facemask, No Entry” policy sa lahat ng pumapasok sa kampo at inaasahang ganito rin ang gagawin sa iba pang mga tanggapan ng PNP nationwide.

Mahigpit din ang ginagawang inspeksiyon sa lahat ng mga pumapasok sa pamamagitan ng pagkuha ng body temperature gamit ang mga thermal scanner.

Una nang inihayag ni PNP Chief P/Gen. Archie Francisco Gamboa na mahigpit ang ginagawa nilang pag-iingat laban sa COVID- 19 kaya umaapela sila sa publiko na sundin ang mga inilatag na hakbang para na rin sa kaligtasan ng lahat. REA SARMIENTO

Comments are closed.