VIRUS PUWEDENG MAIPASA SA SANGGOL NG INANG MAY COVID

buntis

LUMALABAS  na  malakas ang  ebidensya na maaaring maipasa ng isang ina na positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang virus sa kaniyang dinadalang sanggol.

Ito ay batay pag-aaral ng mga mananaliksik sa Italya kung saan nasa 31 buntis na may COVID-19 ang kanilang inobserbahan.

Nakita sa mga buntis na ito  ang virus sa kanilang placenta, umbilical cord, maselang bahagi ng katawan at maging sa breast milk.

Dahil dito, lumalabas na malaki ang tyansa ng isang buntis na positibo sa COVID-19 na maipasa ang virus sa kaniyang dinadalang sanggol. DWIZ882

Comments are closed.