VISA-FREE ENTRY SA TURISTA ILULUNSAD SA KAPASKUHAN

Jaime Morente

PAGKAKALOOBAN ng Bureau of Immigration (BI) ng visa-free entry ang mga balikbayang  turista  sa ilalim ng Balikbayan Program ng pamahalaan mula sa Disyembre 7.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang binabanggit  na mga balikbayan ay dating Filipino citizens, kasama ang asawa, mga anak nito ay pagkakalooban ng libreng entry visa sa ilalim ng Executive Order No. 408, series of 1960.

Itoy matapos magpalabas ng latest resolution ang Inter-Agency Task Force  (IATF)  COVID-19, ng panibagong guide-lines bilang garantiya  sa maayos na pagpapatupad ng polisiya.

Sa ilalim ng bagong guidelines, ang inbound balikbayan tourists ay kinakailangang galing sa visa-free country, mayroong pre-booked quarantine facility, mayroon ding pre-booked COVID-19 testing laboratory sa airport, at higit sa lahat nasa maximum capacity ang sakay ng eroplano sa date of entry.

At dagdag pa ni Morente, ang mga dating Filipino citizens na gustong  mag- avail ng balikbayan privilege ay  kailangang magprisinta ng kanilang mga lumang Philippine passports o kaya ay kopya ng birth certificate sa Immigration counter upon arrival.

Ang mga asawa at anak ay kinakailangang magprisinta ng  marriage certificates at birth certificates, at pumila para maging madali ang verification at processing ng kanilang mga dokumento.

Ang Balikbayan Program ay inilunsad ng pamahalaan upang hikayatin ang mga  overseas Filipino na bumisita sa kanilang motherland, at bilang pagbibigay pugay sa kanilang naitulong sa ekonomiya ng bansa.

Sa kasalukuyan ay  nananatili pa rin ang iba pang travel restrictions sa mga inbound passenger habang kinakaharap ng bansa ang COVID-19 pandemic. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.