VISA LIBERALIZATION

GOOD news sa mga traveller ang pinaplantsang libera­lisasyon ng visa policy.

Madaragdagan nito ang mga turista sa bansa, gayundin ang mahihilig mamasyal sa ibang bansa.

Una na ngang kinumpirma ni Tourism Secretary Christina Frasco na interesado ang Pilipinas na makibahagi sa pinaplantsang liberalisasyon ng visa policies sa mga bansang kabilang sa Association of South East Asian Nation o ASEAN.

Ayon kay Frasco, kabilang sa inaasahang ipatutupad sa ilalim ng visa liberalization ay ang one visa policy sa nasabing mga bansa.

Sa pamamagitan, aniya, nito ay mas madaling makabibisita ang isang turista sa  mga bansa na kasapi ng ASEAN.

Ayon sa kalihim, mas maraming bisita ang maeengganyong dumalaw sa bansa, partikular na ang Indian market.

Paliwanag ni Frasco, kahit patuloy na pinalalakas ng Pilipinas ang global tourism competitiveness nito ay patuloy ring namang tinitingnan ng bansa ang mga kapitbahay nito sa ASEAN bilang mga benchmark o panuntunan para mas mapaganda pa ang turismo sa Pilipinas.