VISMIN AT PALAWAN INULAN DAHIL SA SHEAR LINE

BUNSOD ng umiiral na Shear Line o buntot ng Frontal System, daranas ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Visayas, Mindanao at Palawan.

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na napapalakas ang ulan sa nasabing mga rehiyon dahil sa Intertropical Convergence Zone.

Habang ang Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Ifugao, Mountain Province, Aurora, Quezon, Bicol Region, at natitirang bahagi ng MIMAROPA ay magkakaroon ng maulap na papawirin dahil sa Northeast Monsoon.

Habang ang Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng isolated light rains dahil pa rin sa Amihan.

Malamig pa rin ang klima dahil naglalaro sa 23.1 °C hanggang 29.2 °C ang temperature.
Sumikat ang araw alas-6:20 ng umaga at lulubog alas-5:36 ng hapon.