KUMAWALA ang Basilan Peace Riders sa dikitang labanan sa second half tungo sa 82-76 panalo kontra host team Pagadian para manatiling malinis ang marka sa Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Mindanao Challenge Huwebes ng gabi sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga Del Sur.
Sa unang laro, naitala ng Kapatagan ang unang panalo sa tatlong laro nang gapiin ang Iligan, 82-78.
Matapos ang first half na tabla ang iskor, umariba ang Basilan sa dominanteng 20-5 run, tampok ang driving layup ni Ar Raouf Julkipli para hilahin ang bentahe sa 15 puntos, 61-46, may 4:20 ang nalalabi sa laro.
Nagawang maibaba ng Explorers ang kalamangan sa 54-63 at 62-69 subalit kapos na ang oras para makabangon ang Pagadian na bumagsak sa 2-2 karta. Nangunguna ang Basilan sa 3-0.
“Problema talaga namin noong first half hindi namin ma-break ‘yung press defense nila,” sabi ni Basilan head coach Ron Jalmanzar. “Gumawa kami ng way noong halftime, ayun gumana naman.”
Nanguna si Dennis Daa sa Basilan sa naiskor na 18 puntos at anim na rebounds, habang kumana sina Nikko Panganiban at Junjie Hallare ng tig-15 puntos.
Kumubra si Judel Fuentes para sa Explorers ng 23puntos.
Dikdikan din ang palitan ng buslo ng Kapatagan at Iligan na huling nagtabla sa 78-all.
“Credit sa players ko na hindi sila nag- give up,” sabi ni Buffalos head coach Jaime Rivera. “Pinagsabihan ko lang sila na hindi pa tapos ang laro pukpok lang sa depensa. Pagkabasket, depensa ulit.” EDWIN ROLLON
Iskor:
(Unang Laro)
Kapatagan (82) – Bonganciso 14, Rodriguez 14, Lao 13, Daanoy 13, Saga 11, Puerto 10, Kwong 5, Sollano 2, Bersabal 0, Torres 0, Sala 0, Incio 0, Manatad 0, Igot 0, Regero 0.
Iligan (78) – Hoyohoy 17, Salo 14, Tamayo 10, Torres 8, Dela Rea 7, Bautista 7, Daguisonan 5, Benedictos 4, Tagolimot 3, Guhiting 2, Tolentino 1, Rivera 0, Bernardino 0, Andrade 0, Benitez 0.
QS:16-21, 38-47, 64-67, 82-78.
(Ikalawang Laro)
Basilan (82) – Daa 18, Panganiban 15, Hallare 15, Luciano 9, Salim 8, Lunor 6, Goloran 4, Solis 2, De Joya 2, Soliva 1, Ferrer 0, Saliddin 0, Morada 0.
Pagadian (76) – Fuentes 23, Ibanez 13, Uri 13, Mag-isa 10, Diaz 6, Caballero 4, Baldeo 3, Acaylar 2, Quimado 2, Saludsod 0, Tolentino 0, Demapiles 0, Demigaya 0, Pamaran 0.
QS: 22-24, 41-41, 63-54, 82-76