DINUROG ng ARQ Builders Lapu-Lapu City, sa pangunguna ng beteranong si Reed Juntilla, ang Dumaguete sa kabuuan ng second half tungo sa 92-76 panalo sa knockout quarterfinals ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Visayas leg noong Linggo ng gabi sa Alcantara Civic Center sa Cebu.
Nagbuhos ang pambato ng University of the Visayas ng career-high 33 points mula sa 16-of-26 shooting, kumalawit ng 7 rebounds at gumawa ng isang steal para sandigan ang Heroes sa impresibong panalo at maisaayos ang semis duel sa KCS Computer Specialists-Mandaue City simula ngayong Martes (Mayo 4) ganap na alas-6 ng gabi.
Mabigat ang laban ng ARQ sa Mandaue na tangan ang twice-to-beat advantage makaraang makamit ang No.2 spot sa pagtatapos ng double-round elimination na may 8-2 marka.
Ang mananalo sa salpukan ay haharap sa naghihintay na MJAS Zenith-Talisay City sa best-of-three championship. Awtomatikong umusad ang Talisay sa Finals nang walisin ang elimination sa six-team tournament ng kauna-unahang professional basketball league sa South.
Sinamantala ng ARQ ang pagkahapo ng Dumaguete squad na galing sa pahirapang 67-65 overtime win kontra Tabogon sa stepladder phase ng playoffs noong Sabado ng gabi kung saan bumanat ito ng 14-2 run sa pagsasara ng third period para sa 64-52 bentahe.
Sa kabila nito, hindi nawalan ng loob ang Warriors at nagpakawala ng mainit na opensa, tampok ang tatlong sunod na three-pointer ni Ronald Roy para maidikit ang iskor sa 71-77.
Ngunit hindi na hinayaan ng ARQ na maagaw ng Dumaguete ang momentum matapos na umiskor si Rino Berame sa putback at short jumper bago nasundan ng tres ni Juntilla para muling mahila ang bentahe sa 88-76, may 2:07 sa orasan.
Nag-ambag si Ferdinand Lusdoc ng 16 points, 7 rebounds, at 5 assists, habang nagsalansan si Dawn Ochea ng 10 points, 7 rebounds, 1 assist, 1 steal, at 1 blocked shot para sa Lapu-Lapu.
Nagbida sa Dumaguete si Roy sa kinamadang 30 points at 8 rebounds, habang nadagdag si Mark Doligon ng 18 points, 6 rebounds, 3 assists, at 2 steals.
Iskor:
ARQ Lapu-Lapu (92) – Juntilla 33, Lusdoc 16, Ochea 10, Senining 7, M. Arong 6, Berame 6, F. Arong 6, Galvez 4, Cañada 2, Mondragon 2, Abad 0, Regero 0, Tangkay 0, Solis 0.
Dumaguete (76) – Roy 30, Doligon 18, Regalado 8, Mantilla 7, Monteclaro 6, Gabas 5, Tomilloso 2, Velasquez 0, Gonzalgo 0, Ramirez 0.
QS: 22-21, 40-42, 64-52, 92-76
940217 615936Excellently written write-up, doubts all bloggers offered exactly the same content because you, the internet is a greater place. Please maintain it up! 94739
603714 239452After examine a couple of of the weblog posts on your web site now, and I truly like your way of blogging. I bookmarked it to my bookmark internet site list and shall be checking once more soon. Pls try my website online as nicely and let me know what you think. 988063
253715 778760Amaze! Thank you! I constantly wished to produce in my internet site a thing like that. Can I take element with the publish to my blog? 366043
390735 129893You produced some initial rate factors there. I regarded on the web for the issue and located most people will associate with together with your site. 311185
615562 15451Thanks for all your efforts which you have put in this. quite intriguing info . 634976
418707 174447Precisely what I was looking for, thankyou for putting up. 531171
883121 310310I like this post, enjoyed this one thanks for posting . 76229