VISMIN CUP: SEMIS TARGET NG PAGADIAN, ZAMBOANGA CITY

vismin

Mga laro ngayon:

(Pagadian City Gymnasium, Pagadian)

4 p.m. – Pagadian vs Kapatagan

6 p.m. – Zamboanga City vs Zamboanga del Sur

TARGET ng Pagadian Explorers at Zamboanga City na magamit ang tangan na twice-to-beat advantage sa magkahiwalay na laro sa paglarga ng quarterfinal phase ng 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Mindanao Leg ngayon sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga del Sur.

Haharapin ng No.3 seed Pagadian ang No.8 rank Kapatagan sa alas-4 ng hapon.

“Playoffs na ito. Kahit na may twice-to-beat advantage kami hindi namin iisipin ‘yun kasi ang Kapatagan, anytime puwedeng pumutok ‘yan kaya dodoblehin namin ang effort namin,” pahayag ni Explorers head coach Harold Sta. Cruz.

“Grabe ka-motivated ‘yung mga bata dahil sa suporta ng mga Pagadianon kaya itong mga player naglalaro talaga para sa kanila. Ibinubuhos nila ang lahat para sa Pagadian City,” aniya.

Mapatatag ang kampanya para sa Final Four ang target din ng No.5 seed JPS Zamboanga kontra ALZA Alayon Zamboanga del Sur sa tampok na laro sa alas-6 ng gabi.

Nakaungos ang JPS sa ALZA Alayon sa kanilang unang paghaharap sa elimination round, 82-79.

Nakausad ang Petra Cement-Roxas sa unang phase ng semifinals matapos umatras ang No.7 MisOr bunsod ng pagka-injure ng 10 players nito.

“We humbly request to be pulled out from the tournament and won’t play the remaining games,”pahayag sa sulat ni MisOr team owner Mogs Gonzales.

“Most of our players were hit by injuries and some are not feeling well, which caused us the significant outcome of the games.”

Naiwan na active players sa MisOr sina Joseph Sedurifa, Paul Sanga, Francis Munsayac, Ivan Meca, Irvin Mendoza, at John Gonzaga matapos ma-bench ang mga teammate na sina JR Cawaling (hamstring strain), Jayson Ballesteros (back spasms), Reil Cervantes (Achilles tendonitis), Ralph Salcedo (sciatic pain syndrome), Andoy Estrella (back spasms), Mark Sarangay (back spasms), Mac Baracael (groin strain), Lucas Tagarda (ankle sprain), Ralph Cawaling (ankle sprain), at Ronjay Buenafe (back spasms/groin strain).

Hihintayin ng Vanguards ang mananalo sa duwelo ng Pagadian at Kapatagan, habang ang No. 2 seed Clarin ay sasabak kontra magwawagi sa laban ng Zamboanga City at Zamboanga del Sur para sa semifinal slots.series.

Naghihintay sa Finals ang dominanteng Jumbo Plastic-Basilan matapos mawalis ang nine-team single round elimination sa pamamagitan ng 85-64 panalo sa Petra Cement-Roxas Martes ng gabi.

“We are very happy na nasa Mindanao Finals na kami. ‘Yung mga efforts, sacrifices, ito lumabas na,” pahayag ni Basilan head coach Jerson Cabiltes.  EDWIN ROLLON

Iskor:

Basilan (85) – Collado 13, Uyloan 13, Gabo 12, Baloria 12, Mabulac 10, Bitoon 9, Manalang 3, Siruma 3, Taganas 2, Saliddin 2, Bringas 2, Hallare 2, Juico 2, Lunor 0, Tan 0.

Roxas (64) – Najorda 19, Castro 9, Elmejrab 8, Camacho 8, Deles 6, Sta. Ana 4, Jaime 4, Reyes 2, Bondoc 2, Templo 2, Velasco 0, Rifarial 0, Casino 0, Pasia 0.

QS: 20-16, 39-40, 63-56, 85-64.

143 thoughts on “VISMIN CUP: SEMIS TARGET NG PAGADIAN, ZAMBOANGA CITY”

  1. Pingback: 3beetle
  2. 1438 394829Go to our web site for details about securities based lending and more. There is information about stock and equity loans as well as application forms. 772266

Leave a Reply

Your email address will not be published.