ALCANTARA – Kumamada si Jaymar Gimpayan ng 25 points upang pangunahan ang MJAS Zenith-Talisay City Aquastars sa 77-57 pagdispatsa sa KCS Computer Specialist-Mandaue City at makisalo sa maagang liderato sa Visayas leg ng 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup noong Martes ng gabi sa Alcantara Civic Center sa Cebu.
Nagtala si Gimpayan ng 11-of-13 shooting bukod sa 10 rebounds, isang assist at isang block para sandigan ang Aquastars sa ikalawang sunod na panalo at makisosyo sa ARQ Buiulders Lapu-Lapu City sa ibabaw ng seven-team standings sa kauna-unahang professional basketball league sa South sa pag-tataguyod ng Chooks-to-Go at may basbas ng Games and Amusements Board (GAB).
Nauna rito ay nalusutan ng Aquastars ang Dumaguete Warriors, 67-57.
Nag-ambag si Val Acuña ng 12 puntos, tampok ang dalawang three-pointers sa krusyal na sandali para selyuhan ang panalo ng MJAS Zenith-Talisay City.
Maagang kumalas ang MJAS Zenith nang bumanat ng 16-0 run sa unang anim na minuto ng laro. Nagawang makabawi ng KCS, ngunit tuluyang lumayo ang Aquastars sa 13-3 run, tampok ang jumper ng homegrown player na si Lugie Cuyos para sa 38-20 bentahe.
Hindi na bumitaw ang Aquastars sa tangang bentahe tungo sa dominanteng panalo.
Nanguna si Al Francis Tamsi sa KCS na may 18 puntos.
Samantala, sumandal ang Tabogon Voyagers sa krusyal na opensa ni big man Arvie Bringas para maungusan ang Tubigon Bohol Mariners, 102-99.
Naisalpak ni Bringas ang pahirapang tira sa lowpost para basagin ang huling pagtatabla at kunin ang 101-99 bentahe, may 56 segundo ang nalalabi sa laro. Sa sumunod na play, naagaw ni JVoyager wingman Jethro Sombero ang entry pass ni Joseph Marquez tungo sa free throw ni Joemari Lacastesantos para sa 102-99 bentahe.
May pagkakataon pa ang Bohol na maipuwersa ang laro sa overtime, ngunit sumablay ang dalawang pagtatangka ni Mac Montilla sa three-point area para selyuhan ang panalo ng Tabogon matapos ang opening day loss sa MJAS Zenith-Talisay City. Nahulog ang Bohol sa 0-2.
Iskor:
Tabogon (102) – Bringas 24, Sombero 15, Orquina 14, Caballero13, De Ocampo 12, Lacastesantos 7, Delos Reyes 6, Bersabal 6, Diaz 5, Vitug 0.
Bohol (99) – Marquez 22, Casera 14, Cabizares 13, Leonida 12, Llagas 11, Montilla 8, Dadijul 7, Ibarra 4, Tilos 4, Musngi 2, Tangunan 2, Apolonias 0.
QS: 29-33, 58-62, 81-84, 102-99
MJAS Zenith (77) – Gimpayan 25, Acuna 12, Hubalde 8, Menina 8, Mojica 8, Jamon 4, Villafranca 4, Santos 3, Cuyos 2, Cabahug 2, Eguilos 1.
KCS (57) – Tamsi 18, Mendoza 11, Delator 9, Soliva 6, Octobre 4, Cachuela 4, Mercader 3, Roncal 2, Solera 0, Nalos 0, Exciminiano 0, Bonganciso 0, Imperial 0.
QS: 23-11, 42-28, 58-43, 77-57.
946577 368391Some actually valuable information in there. Why not hold some sort of contest for your readers? 730573
717041 79577Hey mate, .This was an superb post for such a hard subject to speak about. I look forward to seeing a lot of a lot more outstanding posts like this 1. Thanks 736303