NALUSUTAN ng No.5 seed JPS-Zamboanga City ang matikas na pakikihamok ng No.6 ranked ALZA Alayon-Zambaonga del Sur para makalawit ang 69-66 panalo at makausad sa semifinals ng 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Mindanao, Huwebes ng gabi sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga del Sur.
Sa unang laro, nanindigan ang No.8 seed Kapatagan laban sa twice-to-beat na No.3 Pagadian, 96-82, para maipuwersa ang ‘sudden-death’ ng kanilang serye.
Sumandal ang Zamboanga City sa krusyal na opensa ni NCAA superstar Fran Yu para makaalpas sa dikdikang laban at masiguro ang ligtas na upuan sa semifinals ng kauna-unahang professional basketball league sa South.
Nagawang maidikit ni Eloy Poligrates ang ALZA Alayon sa 66-67 mula sa pahirapang layup, may 1:34 ang nalalabi. Sa sumunod na opensa, sumablay ang play ng Zamboanga para sa pagkakataon ng ALZA na maagaw ang bentahe, subalit nagmintis ang three-pointer ni Poligrates.
Desperado, kumuha ng foul ang ALZA kay Fran may 11.3 segundo ang nalalabi.
Walang kaba ang NCAA Season 95 Finals Most Valuable Player sa dalawang free throws para hilahin ang bentahe ng Zamboanga sa tatlong puntos.
Sa huling pagkakataon na maipuwersa ang overtime, gumawa ng play ang ALZA para sa three-point shot ni Dan Sara, subalit tila linta ang depensa ng 5-foot-10 na si Yu at nagawang mabutata ang huling tira ng karibal.
Hataw ang 2019 NCAA Finals MVP sa naiskor na 12 puntos, limang assists, apat na rebounds, isang steal, at isang block.
Nag-ambag ang beteranong si Gabby Espinas ng 14 puntos, 10 rebounds, at tatlong assists, habang kumana ang isa pang dating collegiate star na si Mac Cardona ng siyam na puntos, limang rebounds, tatlong assists, at isang block.
Makakaharap ng JPS sa best-of-three semifinals first phase ang No.2 seed Clarin Sto Nino simula sa Sabado (July 31), alas-6 ng gabi.
Nanguna sa ALZA Alayon si Sara na may 14 puntos. EDWIN ROLLON
137474 673427Exceptional post nevertheless , I was wanting to know should you could write a litte far more on this subject? Id be quite thankful if you could elaborate just a little bit more. Thanks! 623532
500009 192437Normally I do not learn post on blogs, nevertheless I would like to say that this write-up very pressured me to take a look at and do so! Your writing style has been surprised me. Thank you, quite wonderful post. 903827