WALANG kapatawaran ang umano’y paninirang puri ng isang vlogger na nasa dating serbisyong militar na nagpakalat ng larawan nina Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) Gen. Romeo Brawner Jr. na humihimok na bumaba sa puwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kaya’t kahapon ay kinasuhan na ni Acorda ang vlogger na si Ret Army Gen Johnny Macanas sa Quezon City Prosecutor’s Office sa kasong paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code kaugnay sa Anti-Cybercrime Law.
Ani Acorda, hindi maaaring palagpasin ang ginawang fake news ng isang vlogger na kumaladkad sa kanyang pangalan at kay Brawner.
Aniya, unforgiveable ng ginawang pagdawit sa kanyang pangalan sa destabilization plot laban sa administrasyon ni PBBM.
Paliwanag nito, walang kapatawaran ang naturang aksyon dahil wala itong basehan at ginawa lang ng tao na gustong magpasikat.
Dagdag pa ni Acorda, sinisikap ng PNP na lumikha ng magandang imahe kaya hindi niya palalampasin ang paninira sa kanya at sa organisasyon.
Kasabay nito, pinuri ni Acorda sa isinagawang flagraising ceremony ang naging accomplishments ng kanyang mga tauhan sa buong 2023.
“As we gather for this significant first Monday flagraising ceremony of 2024, I express my deep gratitude and pride as we unite in raising our flag. I want to extend my sincere appreciation to the men and women of the PNP for their unwavering dedication and commitment throughout 2023,” ayon sa PNP chief.
Pinayuhan din nito ang mga opisyal at mga tauhan na ipagpatuloy ngayong taon ang nasimulang magandang gawain at kasipagan.
“Sa harap ng bagong taon alam kong may mga bagong pagkakataon at mga hamon na naghihintay sa atin kaya hinihikayat ko ipagpatuloy ninyo ang pagiging masigasig, maging bukas sa mga bagong idea, laging handang humarap sa mga pagbabago.
Anang heneral, naniniwala siya sa kakayahan ng bawat isa na makakatulong sa pagpapabuti sa serbisyo publiko. EUNICE CELARIO