ALBAY – KASONG alarm and scandal ang kahaharapin ng isang vlogger makaraang magsipagtakbuhan ang mga tao palabas ng isang mall sa Legazpi City nang magkunwari itong nabuwal at humandusay dahil sa infected umano siya ng 2019 novel coronavirus (nCoV).
Ayon kay Albay Police Provincial Spokesperson, Capt. Dexter Panganiban, kinilala ito na si Rolando Frondozo, 35- anyos, ng Brgy. Bigaa, Legaspi City.
Alas-6:00 ng gabi, naglalakad sa loob ng ng pamilihan si Frodonzo alyas Uragon, vlogger, nang matumba ito sa entrance ng mall habang kinukuhanan ng video ng kanyang mga kasamahan.
Sa nangyari, natakot ang mga tao sa loob ng mall at nagtatakbo palabas.
Bumangon din naman ang vlogger makalipas ang ilang sandaling pagkakahandusay sa entrance ng mall at nagpaliwanag na ang kanyang ginawa ay para sa kanyang vlog.
Humingi naman ng paumanhin ang vlogger sa publiko dahil sa kanyang ginawa. REA SARMIENTO