VLOGGERS AS MEDIA WORKERS KAILANGAN NG BATAS

ni MA. LUISA GARCIA

KINAKAILANGAN  pa ng batas at mas malinaw na definition bago maituring na media worker ang sinumang vlogger sa Pilipinas na maaaring masaklaw ng anumang proteksyon ng industriyang ito na kadalasan ay nasisisi sa paglaganap umano ng fake news sa social media.

Ito ang ipinahayag ni Atty. Hue Jyro U. Go, Chief of Staff, Presidential Task Force on Media Security ng Malacanang sa isang panayam.kamakailan.

“The definition of media workers is too broad.Subject to different types of interpretation.So we want to make a definition to classify kung ano ba talaga ang pasok dito.We would like to mention certain jobs na pasok,for example journalists,commentators, broadcasters, etc.and there are certain exceptons.pero yung meron din yang qualifications.Yun din po ang dinidiscuss namin sa inter agency task force. Hindi pa kami nagkaroon ng final decision kung ano talaga ang definition ng media workers,” ayon kay Go “But we are acknowledging that there are some problems, on independent media personnel or media practitioners that should fall within the scope of protection,” dagdag pa ni Go.

Sa ngayon hindi pa rin umano maituturing.na media worker o journalist ang isang vlogger halimbawa sa Youtube. na may “ journalistic appraoch “ sa content nito sabi ni Go.

‘Di pa kasi naamyendahan ang definition ng media workers, sabi niya.

“It could be argued na pasok siya sa media workers.Personally, this is not the grievance.I think there should be standards in order for one to be considered a media practitioner,” sabi ni Go.

Ito ay sa.gitna ng panawagan ng ibang vloggers na mabigyan din ng pagkilala bilang media personnel at maa-accredit sa mga media coverage.

“We need to find out kung ano ang sakop ng media workers na gustong pasukin ng vloggers.Pero me certain characteristics na pasok.dapat, it’s for the intent of journalistic purposes.There are some bloggers/vloggers na adventures sa islands, vloggers lang that would fall under the scope of media workers, that fall within the scope of journalistic arts.We have to qualify po.We have to acknowledge that there are journalists or media workers.Hindi automatic ‘pag naging blogger or vlogger dapat media worker na. Hindi naman po dapat ganun.On our part, this is something na pinag aaralan talaga ng mga tao di ba?On how to be a journalist.particularly being an ethical journalist di ba?They hire competent individuals,there is a chain of command, with proper way of writing,with training and presenting news,” sabi ni Go

Idinagdag pa ni Go na sa nakabinbin na media worker bill ngayon ay bibiigyan ng benefits ang media workers.”They also define what media worker is. But when we reviewed the bill, he definition of media worker was copied from AO1 particularly the operational guiudelines that was created back in 2017 .For us that is what we amend because that is too broad.Pasok dati including taga tupi ng dyaryo pasok agad sa media workers, even drivers, camera men.While we acknowledge that there are incidental jobs thay ould fall under the scope of media workers l.Yung mga bloggers kasi as of this time hindi pa.pasok “,sabi ni Go.

Samantala sinabi ni National Presss Club Preaisent Lydia Bueno na bagamat hndi naman isinasantabi ang pagkilala sa mga vlogger na maging bahagi ng media industry subalit ang.mga lehitimong journalists ay.may sinusunod na code of ethics.

“Ikino-consider ‘yan sa pagtanggap ng membership sa NPC kaya sa ngayon talaga mahigpit tayo na huwag muna tanggapin yung mga nasa social media yung mga vloggers. Kaya nga sinasabi ko nga we are open para sa pagtanggap sa kanila, but we just need to amend our constitution and by laws para ang pagganap natin sa tungkulin ay naaayon doon sa batas. Come what may ‘pag may naisipan sila ipo-post nila. Asan ang liability, doon tayo nahihirapan.walang nagpupulis. Paano natin iaayos ang mga maling impormasyon.’Yung disinformation.’Yun yung nakikita natin sa social media.

E ang hirap i-correct ang paniniwala nila.Dapat magabayan sila kung ano ang dapat ilalabas,” sabi ni Bueno.

“Kung minsan nga share ng share lang ng maling information.Hindi vine-verify di ba? May mali kulang kulang. ‘Yung nasa social media sila ang nagko -cause ng fake news. Kasi nga kulang sa verification ng mga facts, details, and information. Kasama sa panukala sa Senado ‘yung pag -identify ng media workers.Sino ba talaga yung mga media workers.Dun lumalabas ngayon na kasama pala pati mga camera man, pati drivers sa isang company.Hindi naman natin pinangungunahan ang mga senador,.Hintayin natin kung ano ang ma- approve na definition ng media workers.Siguro magkakaroon pa ng mga ibang steps, action, para ma-professionalize din ang hanay nila unti unti. Ngayon kasi parang laganap e.Ang hirap international.Kaya sa Pilipinas kailangan natin ng batas na kokontrol sa kanila. Ipinaglalaban naman para maipaglaban ang mga kapatid sa pamamahayag.Nasa kanila na kung ano ang aprubahan nila. Once na approve yun ang mga batas na iyan.Once na aprubahan kailangan natin sumunod. Wala tayong magagawa, i-update natin ang membership natin,” sabi ni Bueno.