VLOGGERS, SOCIAL MEDIA INFLUENCERS PINABUBUO NG GRUPO

NANAWAGAN  ang isang opisyal ng Palasyo sa vloggers at “social media influencers” sa Pilipinas na bumuo ng isang grupo upang maiwasan ang paglaganap ng fake news, iresponsableng pagbabalita o maling paggamit ng nasabing platform na nakakapanira na lubhang delikado sa kanilang buhay at publiko.

Sa isang panayam, sinabi ni Undersecretary Paul Guttierez, Executive Director ng Presidential Task Force on Media Security na kailangan ay bumuo ng isang malaking grupo ang mga vlogger at social media influencers upang may magpulis sa kanilang hanay at maiwasan ang abusado at maling pamamaraan sa paggamit ng social media lalo na sa pagpapakalat ng fake news, paninirang puri, at iba pang gawain na maaring makapagdulot ng pagkalito o kaguluhan sa publiko bunga ng mga maling impormasyon na kanilang naibabahagi o magdulot pa ng panganib sa kanilang mga buhay.

“Yan ang malaking challenge sa pamahalaan. Alam n’yo sa Task Force meron kaming quarterly meeting.’Yan ang isa sa pinepresent kong tanong. Sino ang miyembro ng media? Who is the media?

Kasi yan ang problema namin sa vloggers at influencers sa social media .That’s why ang isa sa panawagan natin dyan, magbuo sila ng isang grupo. Kasi let us admit it. Masyadong malaya ang pamamahayag sa Pilipinas. The government cannot simply step in and regulate. Kailangan magbuo sila ng grupo to police their own ranks. Sa dami ng social media vloggers at influencers, sino ang kakausapin mo? Who represents their voice or their position. Hindi naman pwedeng isa isahin lahat ‘yan. Isa-isahin kung sino sino yan,” sabi ni Guttierez.

Mapapansin na ang iba umanong vloggers at social media influencers sa iba ibang social media kabilang ang youtube ay pinaparatangan na may mapanlinlang na clickbait na walang katotohanan ang nilalamang impormasyon, at minsan ay ginagamit pa ang naturang platform upang manira ng tao o atakehin kahit ang mga pulitiko, at iba pang personalidad, o grupo.

Idinagdag pa ni Guttierez na ang iba ay gumagawa lamang ng intriga na pwede maging ng kaso ng cyberlibel na mas mataas ang karampatang parusa sa orinardyong liber.

“The reason why kinakailangan talaga magkaroon ng malaking grupo within the social media sector segment ay para maayos yan. Kasi isipin mo sa parte ng gobyerno, we cannot simply step in sabihin bawal to bawal ‘yon.Wala tayong puwedeng gawin. Philippine Online Broadcasters Association me nabuo, meron na ‘yan e. Pero the membership is not quite so big, besides nga, parang ano yan e pagka medyo me pangalan ka na social media influencer, a wala ako pakialam sa inyo, basta ako sikat ako, bahala na kayo sa buhay nyo…The danger there is …..’yung misinformation, fake news, hindi lang nagkakalat ng ano, ng mali o gumagawa ng intriga.Delikado buhay mo d’yan. Maglalagay ‘yan ng panganib sa ibang tao. For the moment we can only caution them.The penalty is one degree higher sa cyber libel,” sabi ni Guttierez.

Iginiit din ni Guttierrez na dapat ay pag -aralan din ng Kongreso ang batas sa cyberlibel na minsan ay nagagamit sa panggigipit naman sa mga lehitimong media workers.

“Ang panawagan natin, suggestion, it’s time for those in the social media to origanmize themselves into one bigger responsible group. And ano rin ito, kung maging miyembro ka rin ng grupo, magkakaroon ka ng social responsibility. Hindi ‘yung naramdaman mo lang na kahit ano pwede mo na sabihin eh pwede mo na gawin, hindi gan’un yun.Yung commitment natin sa ating social responsibility mahalaga yun.Kaya dapat magbuo sila and then task force kung gusto nila ng guidance.Tulungan natin sila, not to regulate, but to guide them,”sabi pa ni Guttierez.
MA. LUISA GARCIA