VNL: NETHERLANDS TAOB SA FRANCE

Volleyball

NAITALA ng world No. 3 France ang 25-14, 25-23, 25-13 panalo kontra Netherlands nitong Huwebes sa Volleyball Nations League sa Smart Araneta Coliseum.

Nanguna si Stephen Boyer para sa France na may 15 points, kabilang ang apat na service aces, habang nagdagdag si Barthelemy Chinenyeze ng 12 points, kabilang ang set-clinching kill na nagbigay sa Tokyo Olympics gold medalists ng 2-0 set lead.

Bumanat si Trevor Clevenot ng dalawang service aces upang tumapos na may 11 points habang kinontrol ni Nicolas Le Goff ang gitna na may 6 points para sa 10-point para sa France.

Kontrolado ng Dutch ang second set bago nag-rally ang French at umabot sa set point sa 24-21. Naisalba ng Netherlands ang dalawang set points bago umiskor si Chinenyeze ng clincher sa quick hit.

“In the second set, we just found a way to comeback and win the set,” sabi ni Boyer.

Kasunod ng forfeit win laban sa China noong Martes, ang France ay umangat sa 5-1 sa standings.

“It’s always good to win. We played good volleyball,” ani Boyer.

Ang Tokyo Games MVP, si Ngapeth ay kuminang sa bawat aspeto, maging sa pagsasagawa ng plays – sa kanyang unang pagsabak sa bansa.

“I received a lot of message from Filipino people. It’s so cool to be here to play volleyball here,” sabi ni Ngapeth, na nagtala ng 8 points, 5 receptions at 4 digs. “I hope we will make two good games for the fans. This is for the fans here in the Philippines.”

Makakaharap ng France ang Japan sa Sabado at ang Germany sa huling araw sa Linggo.

Nalasap ng Dutch ang ikatlong kabiguan sa anim na laro.

Nakalikom sinacBennie Tuinstra at captain Nimir Abdel-Aziz ng tig-11 points para sa Netherlands. Umiskor si Tuinstra ng tatlong aces.