VNL WEEK 3: ITALIANS GUMAGANTI SA BRAZILIANS

Mga laro sa Miyerkoles:
(Mall of Asia Arena, Pasay City)
3 p.m. – Canada vs Netherlands
7 p.m. – Poland vs Slovenia

NAITALA ng Italy ang reverse sweep kontra Brazil, 23-25, 25-20, 25-15, 25-21, upang mapalakas ang playoff hopes nito sa krusyal na Week 3 ng Volleyball Nations League (VNL) men’s tournament nitong Martes sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagpakawala ang world No. 4 Italians ng 6-2 closeout sa fourth set, na tinampukan ng ace ni Daniele Lavia upang basagin ang 19-all deadlock at selyuhan ang kapana-panabik na reversal sa harap ng malaking Filipino fans.

Umangat ang Italy sa 6-3 record upang makatabla ang Brazil sa fourth place sa final preliminary leg ng 16-team VNL na inorganisa ng International Volleyball Federation (FIVB) at Volleyball World.

Nanguna si spiker Yuri Romano na may 20 points sa 16 hits at 4 aces para sa Italians na naiganti ang kanilang 19-25, 26-28,18-25, 20-25 pagkatalo sa world No. 1 Poland noong nakaraang linggo sa Netherlands upang palakasin ang kanilang tsansa para sa top 8 finish.

Ang top eight teams lamang ang makakapasok sa final round ng VNL mula July 19 hanggang 24 sa Poland.

Nag-ambag si Alessandro Michieletto ng 17 points, gumawa si Gianluca Galassi ng 12 points sa 4 blocks habang nagdagdag si Lavia ng 10 points sa scattered attack para sa Italy.

“We’re very happy for this win. We need this in the standings. After losing the first set, we played well and won the next three. We’re very happy. It’s very important for our qualification,” sabi ni Romano, na ang thunderous kill ay nagbigay sa Italy ng 20-19 lead sa clincher.

-CLYDE MARIANO