VOICES PROJECT MAKATUTULONG SA INDUSTRIYA NG KAPE SA NUEVA VIZCAYA

NAGKAROON ng kasiyahan ang mga lider ng gobyerno sa Nueva Ecija dahil mas matutulungan ang kanilang industriya ng kape at mapalalaganap ang komersiyo nito dahil sa pagsasagawa ng proyekto ng Vibrant Operations of Industry Clusters for Economic Sustainability (VOICES) sa probinsiya.

Ayon kay Senior Trade and Industry Development specialist  Zenaida Quinto, ang proyekto na pinangunahan ng Department of Trade and Industry’s (DTI) office sa Nueva Vizcaya ay makapagbubukas ng oportunidad para sa mamumuhunan sa probinsiya.

“The VOICES aims to create sustainable industries through improved farmers’ productivity and efficiency and better quality products that would guarantee increased sales volume, higher income, and improved quality of life for Vizcayanos,” ani  Quinto.

Hinimok ni DTI-Nueva Vizcaya officer-in-charge Henry Conel Jr. ang mga stakeholder na pagtuunan ang pagpapanatili ng in-dustriya ng kape at iba pang priority industries sa probinsiya sa pamamagitan ng proyekto.

Sinabi ni Alberto Pamatian, DTI-Nueva Vizcaya division chief, kailangan ng mga mang­gagawa na mag-pokus sa pagpapatatag ng priority industries sa grassroots level para makaengganyo ng mamumuhunan.

Para kay acting DTI Regional Director Ruben Diciano naman, inengganyo niya ang mga stakeholder na samantalahin ang iba’t ibang programa na ibinigay ng DTI at ng ibang ahensiya ng gob­yerno, tulad ng VOICES project, na isinasagawa para isulong ang industriya ng kape at iba pang priority industries sa probinsiya.

“Let us work together to create a sustainable coffee industry in Nueva Vizcaya that would contribute to a more vibrant regional economy,” sabi niya.

Hinarap ng mga coffee industry player – ilan sa kanila ay coffee producers, processors, traders, at may-ari ng coffee shops at line agencies – ang mga isyu at mga problema ng buong kahalagahan ng pag-bubuklod-buklod, gayundin ang pag-angat ng industriya ng kape.                  (PNA)

 

Comments are closed.