VOLCANIC QUAKE, 6 ROCKFALL NAITALA SA BULKANG MAYON

NAKAPAGTALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng volcanic earthquake at anim na rockfall events sa Mayon Volcano sa lalawigan ng Albay sa nakalipas na 24 oras, kahapon araw Lunes.

Base sa pinakabago nitong bulletin, sinabi ng PHIVOLCS na nagbuga rin umano ang Mayon Volcano ng “moderate amount” ng usok na umabot ng 500 metro ang taas.

Naobserbahan din ang “faint crater glow” sa pamamagitan ng telescope.

Kasalukuyang nasa ilalim ng Alert Level 1 ang nasabing bulkan.

Pinaalalahanan ng PHIVOLCS ang publiko na ipinagbabawal ang pagpasok sa six-kilometer radius Permanent Danger Zone ng Mayon Volcano, gayundin ang pagpapalipad ng aircraft malapit dito.
EVELYN GARCIA