INILAHAD ng Volkswagen na magsisimula na silang magbenta sa Pilipinas ng tatlong bagong modelo na naging matagumpay din sa China, at pumupusta ng puntos sa presyo sa merkado na sa ngayon ay nadodominahan ng mga kotse ng Japan at Korea.
Ayon sa pahayag ng kompanya, ang mga modelong Santana, Lavida at Tiguan ay “tailor-made” para sa Asya, base din ito sa pahayag ng Shanghai Volkswagen First Vice President David Powels. Ang Ayala Corporation ay ang distributor ng Volkswagen cars sa Pilipinas.
Nasa presyo na P1.17 million ang Lavida na magiging kakumpetensiya ng Toyota Vios, habang ang P686,000 Santana ang kakumpetensiya naman ng Toyota WiGo. Ang Tiguan ay ibebenta ng P1.65 million.
Ang Lavida at ang Santana models ay kasali sa top 10 selling car models sa China noong nagdaang taon, ayon sa Volkswagen.
Ang dalawa pang modelo na Santana GTS at Lamando, ay handa na sa pagpasok nito sa merkado sa Nobyembre.
Comments are closed.