MAGUINDANAO – IPINAG-UTOS na ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Guillermo Eleazar ang masusing imbestigasyon at pagtugis sa mga nagpasabog sa mga naglalaro ng volley ball game sa isang covered court sa Barangay Poblacion, Datu Piang noong Sabado ng hapon na ikinasawi ng isa katao at pagkasugat ng walong iba pa.
Ayon kay Lt. Col. John Paul Baldomar, spokesman 6th Infantry Division ng Philippine Army, naganap ang pagsabog bandang alas-3:39 ng hapon at sinabing posibleng gumamit ng cellphone bilang detonating device ang mga suspek.
Hinala rin ng mga sundalo at pulis sa lugar na Bangsamo Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Daulah Islamiyah ang nasa likod ng pagpapasabog dahil signature bomb umano ito ng mga nasabing terorista na lagi nilang ginagamit.
Kinilala ang nasawing biktima na si Norodin S Musa, 2-anyos, haban sugatan naman sina Fahad A Tato. 22-anyos; Samsudin D kadtugan, 21; Benzar Macogay, 24; Amid B. Miparanun 19-anyos ; Carlo Mobpon, 25; Tukoy Abo, 13-anyos at Mohamad Wanti, 29-anyos.
Alinsunod sa utos ni Eleazar sa Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region na magsagawa ng malalimamg imbestigasyon para matukoy ang susek o grupo sa likod ng pagpapasabog kasabay ng pagpapaigting ng seguridad sa kanilang nasasakupan.
“Inatasan ko na ang PRO BAR na makipagtulungan sa local military forces, hindi lamang sa pagsasagawa ng manhunt sa mga taong responsible dito, kundi pati na rin sa pagpapaigting ng seguridad sa Maguindanao at ilang mga lugar kung saan maaring mangyari ang ganitong klaseng karahasan,” ani Eleazar. VERLIN RUIZ
118592 322991Do men and women nonetheless use these? Personally I adore gadgets but I do prefer something a bit far more up to date. Still, nicely written piece thanks. 133826