IPINAGMALAKI ni Executive Director Narcisco Edillo ng Department of Agriculture (DA) Region II na malaki ang volume ng naaning palay sa kabila ng tagtuyot.
Ayon kay Edillo, bagama’t hindi nakamit ang target na 1.5M metric tons ngayong panahon ng tag-init, nasa P500,000 o isang porsyento lamang ang production loss.
Aniya, malaking tulong umano ito dahil inaasahan ng ibang rehiyon na naapektuhan din ng tagtuyot ang ani ng rehiyon dos.
Kaugnay nito, sinabi ni Edillo na walang problema sa “self sufficiency” dahil sa taas pa rin ng porsyento ng ani ngunit kina-kailangan pa rin umanong magsumikap dahil inaasahan naman ang ani ng rehiyon sa ibang lugar sa bansa.
Samantala, dalawa umano ang forecast ng PAGASA kung saan ang tagtuyot ay maaring umabot pa hanggang sa buwan ng Agosto at simula na rin ng La Niña kung kaya’t sinabi ni Edillo na ito ang kanilang pinaghahandaan sa ngayon.
Aniya, bumuo na ang kanilang ahensiya ng dalawang Task Force na tututok sa lagay ng panahon sa mga susunod na buwan. REY VELASCO
Comments are closed.