(Voluntary repatriation ipinayo sa OFWs) ALERT LEVEL 3 SA LIBYA ITINAAS

Libya

PASAY CITY – ITINAAS na ng pamahalaan ang crisis alert level 3 sa Libya kaya naman pinayuhan ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) na kusa nang umuwi sa Filipinas upang makaiwas sa anumang kapahamakan.

Ang mga Filipino sa Tripoli, ang kapitolyo ng Libya, at ang kalapit na lugar ay nararapat na lisanin  upang hindi mabiktima sa tensiyon sa pagitan ng Government National Accord (GNA) at  Libyan National Army (LNA).

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang Crisis level 3 o voluntary repatriation phase ay ipinatutupad ng Philippine government sa mga bansa na may matinding banta sa seguridad.

Sa record ng DFA, nasa 4,000 OFWs ang nasa Libya, na ngayon ay nasa estado ng civil war.

“The Philippine Embassy in Tripoli gave the recommendation to raise the Alert Level following the escalation of the fighting that included the shelling of residential areas in the outskirts of the capital,” ayon pa sa pahayag ng DFA

Kasama sa alert level 3 ang Tripoli  at ang mga lugar na nasa 100-kilometer radius nito.

Kabilang ang mga lugar na Tajoura, Ghot Romman, Qaraboli,Qasr Khiyar, Esbea Tarhuna, Bani Waled, Gharyan, Aziziya, Warshifana, Zawia, Surman at Sabratha, dagdag pa ng DFA ang pagtungo sa Libya ay hindi rin papayagan hanggang hindi bumubuti ang sitwasyon doon.

“With the declaration, travel to Libya by Filipinos working in the said areas will not be allowed until the situation in the country stabilizes and the alert level is lowered back to 2,” ayon pa sa DFA.

Sa mga Pinoy na nais nang umuwi ay agad makipag-ugnayan sa embahada roon para sa kanilang agarang repatriation.    EUNICE C.