MAYNILA- LIMA katao ang nagtamo ng bahagyang sugat sa sunog sa Tondo, Maynila.
Sa sketchy report, ang mga nasugatan ang isang fire volunteer at apat na residente nang masunog ang isang residential area.
Sinabi ni Fire Insp. John Joseph Jalique, chief investigator ng Bureau of Fire Protection-Manila, umabot sa ikaapat na alarma ang sunog at idi-neklarang under control bago mag-alas-12 ng tanghali.
Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng isang bahay na mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay.
Ayon kay Jalique, inaalam pa ang sanhi ng sunog.
Bineberipika rin ng BFP ang kuwento ng mga residenteng may nakita silang nag-spark sa parteng kisame ng bahay. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.