NANGANGAILANGAN ng volunteer doctors ang Philippine Red Cross para tumulong sa gagawing pagbakuna sa mga bata kontra sa tigdas.
Sa pahayag ni Dr. Susan Mercado, deputy secretary general ng Red Cross Center for Health and Humanitarian Action, maaring tumulong ang mga volunteer sa pamamahagi ng anti-measles vaccine at pagtatayo ng mga hospital tent.
Kailangan din ang mga volunteer na nurses, midwives at maging ang ordinaryong sibilyan para sa logistics.
Maaring makipag-ugnayan ang mga nais mag-volunteer sa telepono bilang 790-2300 o sa social media sa pamamagi-tan ng hash tag na #bantaytigdas.
Comments are closed.