VOTE BUYERS IREKLAMO SA DILG

MARTIN_DIÑO

HINIKAYAT ni Interior Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño ang publiko na maghain sa kanilang tanggapan ng pormal na reklamo hinggil sa mga kaso ng vote buying sa nakaraang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKEs).

Ayon kay Diño, mas makatutulong ang paghaharap ng complaint imbes na mag-post lang sa social media ng mga kaso ng pamimili ng boto.

Handang  tumulong ang DILG sa mga complainant, lalo na ngayon na inaabangan naman ang 2019 midterm elections.

Hinikayat ni Diño ang media na makipag-ugna­yan sa kanilang tanggapan upang mahin­to na ang pa­mimili ng boto at map-anagot ang mga responsableng kandidato.

Samantala, ipinauu­baya na ng DILG sa Commission on Election (Comelec) ang pag-aksiyon sa sumbong na vote-buying sa katatapos na halalan.

Ayon kay DILG Assistant Secretary at Spokesperson Jonathan Malaya, dinagsa  ang tanggapan ni Undersecretary for Baran-gay Affairs  Diño ng mga sumbong galing sa  concerned citizens.

Kabilang sa mga pormal na naghain ng complaint sa DILG ay mula sa lugar ng Paliparan sa Cavite, Camarin, Caloocan City, Barangay Pasong Putik, Quezon City, San Mateo at Taytay pawang  lalawigan ng Rizal.

Sinabi ni Malaya na nasa disposisyon na ng Comelec kung anong legal na aksiyon at kaukulang imbestigasyon ang gagawin sa sumbong sa ilang government officials na nakialam sa katatapos na BSKE. JOEL AMONGO

Comments are closed.