VOTE BUYING, I-REPORT SA COMELEC

NANANAWAGAN ang pamunuan ng Commission on Elections (Comelec) sa publiko na maging mapagmat­yag at agad ireport ang mga insidente ng vote buying ngayong opisyal nang nagsimula ang kampanya para sa national at local elections.

Pinayuhan ni Comelec spokesperson James Jimenez ang publiko na i-dokumento, maaa­ring sa pamamagitan ng cellphone pictures o videos ang insidente ng vote buying at hinimok na maghain ng pormal na reklamo sa komisyon.

Sinabi ni Jimenez na agad i-report ang ganitong insidente o kanilang paglabag kahit pa kakampi nila ang mga ito ay huwag nilang hahayaan upang hindi pamarisan at makalusot.

Paliwanag pa ni Jimenez, kapag nakakita ng mga pagkakataon ng vote buying ay mayroon pang puwedeng gawin at ‘yun ay ang magdokumento ng nakitang pagbili ng boto dahil pinakamalaki aniyang aspeto ito ng laban sa vote buying

Samantala, naki­pag-ugnayan na rin ang campaign committee sa barangay officials para bantayan ang mga paglabag sa panahon ng campaign period

Nakatakdang ganapin ang national at local elections sa Mayo 9,2022. PAUL ROLDAN