VOTE  BUYING IBASURA

CBCP

UMAPELA sa mga botante ang isang opisyal ng maimpluwensi yang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na huwag iboto ang mga kandidato sa May 13 elections na bumibili ng kanilang boto.

Ayon kay San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Clergy, hindi dapat na ihalal ang mga kandidatong nasasangkot sa vote buying upang maimpluwensyahan ang desisyon ng mga botante sa nakatakdang halalan.

Aniya, lalo na kung wala namang magandang track record ang mga kandidato sa pagseserbisyo sa publiko.

Iginiit ng obispo na walang magandang motibo ang pagbili ng boto ng sinuman lalo na’t maituturing na sagrado ang boto ng bawat isa.

“Huwag iboto yung bumibili ng boto o huwag iboto yung nag-iimpluwensya para siya lang ang iboto kahit alam na hindi naman maganda yung motibo saka wala namang magandang track record…” panawagan ni Famadico sa panayam ng church-run Radyo Veritas.

Nauna nang iniha­yag ng Legal Network for Truthful Elections (LENTE) na nagsisimula sa proseso pa lamang ng halalan ang katiwalian at korapsyon sa kaban ng bayan dahil babawiin ng mga kandidato ang ginastos sa halalan kapag nahalal na opisyal ng gobyerno.  ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.