HINAMON ng Commission on Elections (Comelec) ang mga maghahain ng reklamo laban sa isang kandidato na manindigan sa kanilang reklamo.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, malaking tulong kung mayroong desididong tetestigo sa kaso hinggil sa vote-buying o pagbili ng boto.
Gayunman, nagbabala ang komisyon na may pananagutan din ang mga tumatanggap ng pera kapalit ng kanilang mga boto.
Nilinaw ni Garcia, na puwede nilang sampahan ng kaso ang mga tumanggap ng pera o maaari rin namang hindi, dahil puwede silang gawing testigo o state-witness. DWIZ882