Nagkaisa ang Commission on Elections (Comelec) at the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na pumirma sa memorandum of agreement (MOA) sa voter education sa 2025 national and local elections (NLE).
Batay sa MOA, sinabi ni Comelec chairperson George Erwin Garcia na isasama ang voter education sa TESDA curriculum.
Isasama ito sa pre-taped seminars, at orientations sa registration process and requirements, gayundin sa iba pang mga kinakailangang impormasyon ng mga botanteng makikiisa sa Eleksyon 2025.
“Dito po…’yung integration ng voter education sa curriculum na ino-offer ng TESDA,” ani Garcia.
RLVN