VOTER EDUCATION ROADSHOW, IKINASA NG COMELEC

NAGSAGAWA ng nationwide voter education roadshow ang Commission on Elections (Comelec) bilang preparasyon sa May 12, 2025 National, Local at BARMM Parliamentary Elections.

Kasama sa roadshow ang live demonstration ng automated counting machine (ACM) na nagpapahintulot sa mga botante na maging pamilyar sa bagong teknolohiya.

Inilahad ng Comelec sa kanilang social media account na ang bagong rehistro at lumang botante ay magkakaroon ng pagkakataon na maranasan kung paano gumamit ng ACM.

“The goal of the roadshow is to introduce the automated counting machine to Filipino voters, to ensure they understand how to properly use the machine, and to reinforce the importance of exercising their right and responsibility to vote,” ayon sa komisyon.

Para sa buong listahan ng roadshow venues, ang publiko ay hinihika­yat na bumisita sa opisyal na Comelec Facebook page samantalang tatakbo ang roadshow hanggang Enero 30, 2025.

Ibinahagi naman ni Comelec Chairman George Garcia na ang bansa ay kasalukuyang mayroong 68.6 milyong rehistradong botante.

RUBEN FUENTES