VOTER REGISTRATION LIMITADO LANG

MAGIGING  limitado lamang ang voter registration sa susunod na buwan.

Ito ang sinabi ni spokesman Atty. Rex Laudiangco dahil sa ilalim ng RA 8189, ipinagbabawal ang pagkakaroon ng pagpapatala sa loob ng 120 araw bago ang eleksiyon.

Ani Laudiangco, sa magaganap na eleksiyon ng barangay at Sangguniang Kabataan sa Disyembre 5 ay bawal nang magparehistro sa pagsapit ng Agosto 7.

Dagdag ni Laudiangco na nakabatay rito na mayroon lamang halos dalawang linggo para gawin ang mga kailangan pang mga proseso.

Kabilang dito ang paglalathala sa pangalan ng mga nagpaparehistro, pagtakda ng petsa sa pagdinig ng Election Registration Board, at ang pagsasailalim sa mga botante sa database verification at iba pa.

Samantala, nakatakda namang magsimula ang voter registration sa Hulyo 4 hanggang Hulyo 23. DWIZ882